Ang is is Hindi is
Kapag iningles ka ng nagtatanung sayo ay sagutin mo ng ingles, at kung Filipino naman ang tanung ay sa Filipino din ang sagot. Eh paano ‘pag Taglish? Asteg. Ano bap unto ko ditto? Hindi ko din alam… basta may kinalaman kasi ang artikulong (ano ba Filipino ng ‘article’???) ito sa pagiging feeling kolehiyala ng mga pinoy ngayon na pati ang NAPAKASIMPLENG SALITA ay.. ah eh.. basta.. Ang gulo…
Madalas kong marinig nitong mga nakaraang buwan ang paggamit ng salitang Ingles na ‘is’ bilang kapalit sa salitang ‘ay’ sa isang full-pledged na Filipinong pangungusap. Halimbawa:
“Ang hindi ko maintindihan is kung bakit ginagamit…”
“Sa kanyang paningin is yung paggamit ng salitang…”
“Ang akala nila is yung paggamit ng taglish sa kanilang pangungusap is makagaganda---siguro--- sa tunog ng pananalita.”
Wala naman akong malalim na hinanakit sa mga madudulas nadila ng mga konyotiks, ngunit hindi ko maarok kung bakit pa kailangang palitang ng ‘is’ ang Filipinong salita na ‘ay’ samantalang pareho naming dalawa lang ang letra at parehong iisa lang ang pantig. Eto ba ipinalaganap ng sinong nilalang? May kinalaman ba siya kay Kris Aquino?
Sana naman ay matahimik na ako sa problemang ito na hindi naman talaga dapat ikinababahala ng isang matinong tao (Sabi na nga ba eh, hindi ako tao…). Nakakatuwa lang kasi na lumalaganap na ito sa kahit na sinong trip gamitin ang salitang Ingles na nag-iisa sa Filipinong pangungusap. Hindi naman sa dapat itong ipagbawal…Dahil ang Ingles at Filipino sa ating bansa ay magkahalo na.. Pero habang kaya pa nating ipagyaman ang sariling wika, gamitin naman sana natin ng maayos. Yun lang ang pakiusap nitong taong napakalalim ng problema na tila ba’y katapusan na ng sibilisasyon ng sangkatauhan. Ewan ko ba, dati ay pinroblema ko ang paggamit ng ‘ano’ ng wala sa lugar, ngayon ito naman. Baka ipagdasal ako ng mga tao na mabingi na lang… Huwag naman po sana.. Gusto ko pang mapakinggan ang mga kanta ni Britney Spears.
Amen.